contestada

O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagan yaring isip nang sa layo'y di malihis. Ako'y isang hamak lamang taong lupa ang katawan. mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa, baka kung mapalaot na ang mamangka'y di makaya. O, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, liwanagan yaring isip nang sa layo'y di malihis. Kaya, Inang matangkakal ako'y iyong patnubayan nangyari mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. At sa tanang nariritong nalilimping maginoo kahilinga'y dinggin ninyo buhay na aawitin ko.