Tukuyin ang antas ng wika batay sa pormalidad ng salitang may salungguhit sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang B kung ito ay balbal; K kung ito ay kolokyal; L
kung ito ay lalawiganin; at P kung pormal.
_______1. Maraming pananim sa paligid ng munting balay na kubo. (balay)
_______2. Mayroong kundol, patola, tsaka labanos na nakatanim sa hardin nito. (tsaka)
_______3. Magtanim ay 'di biro sapagkat maghapong nakayuko ang magsasaka. ('di)
_______4. Sumakit na rin ang bewang niya at halos hindi makatayo ni makaupo. (bewang)
_______5. Laking tuwa ng magkabiyak nang maisilang ang unang anak. (magkabiyak)
_______6. Hindi nila inaaasahan na magiging adik ito sa kaniyang pagtanda. (adik)
_______7. Tayo‟y mga Pinoy at hindi Kano. (Kano)
_______8. Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango o kulay ay kayumanggi. (Wag)
_______9. Kung paiiralin ang pagiging barat ay walang mapapala. (barat)
_______10. Marumi na ang hangin pati na ang mga ilog natin. (Marumi)